Once upon a time…
Once upon a time, may isang echoserang vavaihan ang nangarap na minsan ma-experience ang pagiging prinsesa!
Dahil sa isa siang fairygodmother ng mga echoserang brides at debutant na umaasang may magic talaga, eto na pagkakakataon na ng fairygodmother Toni na maexperience mismo ang ginagawa nia sa mga brides at debutant nia!
Sa isang gabi ng pagtitipon ng mga prinsesa at prinsepe, kings and queens, bida at kontrabida, sila ang mga nilalang sa likod ng mga naggagandahang mga paevents, pakasal at pabirthday at kung ano ano pang pasavogue ng mga yayamanin! Sa gabing ito, ininvite lahat ng klase ng tao basta wedding supplier na kabogera invited (charought lang haha!) Lahat ng gustong umarte at magpaandar, invited! (English naman nauubusan na ako ng Tagalog! haha)
So dahil sa echoserra ako, minabuti ko na rin na umattend na baka dahil sa event na ito ay may makilala akong mga gwapong lalake hahah #landelande lang di ba! (Meron pa lang ibang intention! Tse! ang lande!)
As the time, minute and millisecond comes close, the more i get excited kasi maeexperience ko na talaga ang matagal ko ng pangarap ang maging…. Cinderella! Bata pa lang ako pangarap ko na yan! hahah kahit alam kong mahirap mangyari! pinaniwalaan ko ang sabe ng nanay ni Cinderella! “Believe in everything and everything!” so pinaniwalaan ko ang sarili ko na one day mangyayari din sakin ang fairytale story na yan! (Umasa talaga ako! hhaha) I never stop believing in my potentials as a person though sometimes rough days come, i never stop, i keep on going and going, push lang ng push para sa ekonomiya! este para sa pangarap!
Here comes the magical moment, the Cinderella moment when my fairygodmother Jazel Sy transform my dress into a magical and stunningly beautiful sparkling gown!
Im speechless when i saw myself in this super gorgeous, beautiful, exquisite, so diosa and virginal lahat na pinagsama sama but words are really not enough to describe how gorgeousa this dress is! one thing that best fits this gown its CINDERELLA!
Yes! i am transformed into a magical princess!
my hair is so beautiful, salamat sa aking fairygodmother na si Siony Alcantara!
(Oh kung maka-emote wagas, feel na feel!)
My makeup is so fresh and natural parang kakagising ko lang (sinungaling! hahaha) Thanks to Toni Aviles and Grace Trias for the full force ng pagaairbrush ma-achieve lang ang nomakeup look! haha
My earrings is so dazzling, salamat sa isa ko pang fairygodmother na si Christopher Munar!
Grabe na ngaun ang Cinderella, di na kaya ang isang FairyGodMother lang! kelangan more more mahigitan lang ang tunay na Cinderella ganun kataas yung bar na sinet mo noh! kaya sa gabing ito, im so thankful with all the FairyGodMothers who truly love me and supported my kaartehan at kalandian! (Emote muna ng saglit..)
At siyempre, di kompleto ang moment kung walang magcacapture! so kahit naa malayo ang isa pang Fairygodmother na si Nicolai Melicor, mega flysung ang mga alagad na si Lawrence and Ivy to capture every kaartehan and kaharutan ni Tinderella! hahah
This night is a Modern Day Fairytale organized by Philippine Association of Wedding Planners, this is the 3rd time that i will be attending such a big event for wedding suppliers in the Philippines but this is the #4thPhilWeddingIndustryBall! at siyempre pagkakataon ko na nga makilala ang Prince Charming ko haha (umaasa talaga!)
To be continue…
Live Love Lande!
Since i was a kid, i always dream of what i am today! I never thought that dream would ever ever come true! Akala ko hanggang pangarap lang sia nung bata ako. Pero pag pala may gusto kang mangyari, darating ang tamang panahon at magiging katotohanan sia!
Dati yung barbie doll lang ang minamakeupan ko, ngaun sarili ko na and it became a career na! Di ko namalayan na sa mga kalandian at kaartehan ko mauuwe sia sa isang napakagandang career!
Ako po si An…tonieto (thats how it is pronounced), or mas kilala niyo as Toni na isang hamak na balingkinitan na ang pangarap ay mapaganda ang lahat ng nasa paligid ko! Haha Simple lang naman ang hangad ko sa buhay ang ma-enjoy ang 50-60 years ng buhay ko, makatulong sa kapwa sa abot ng makakaya ko, ang mapasaya ang mga taong mahal ko, ang mapaganda ang mga gustong umeksena at ichallenge ang sarili ko sa mga bagay bagay at ang masakatuparan ko ang lahat ng pangarap ko para sa mudrabelles ko at para sa sarili ko.
Ito na ang tamang pagkakataon to share sa inyo ang mga kaeksenahan ko sa buhay Diosaness na to haha! umpisahan na natin!
Bakit nga ba livelovelande? Ewan ko pag gising ko isang umaga habang nakatingin ako sa sarili ko, i keep on saying positive things on myself biglang nasambit ko ang orasyon na live love lande! ayun na i felt so positive and i felt so good! lakas makagoodvibes! kaya naging mantra ko na sia since then! haha sinasambit ko sia pag gising at ayun inspired na ako to make my day beautiful! kaya more more aura everyday! sige sabihin mo “livelovelande” anong feeling? i wanna know!hahaha
Given that, let me define livelovelande for you! though alam ko naman alam nio na yan!
LIVE – ang hirap maging tulad naming mga diosa! araw araw ay pagsubok! malalaman nio sa sa mga darating kong eskenas kaya Im always grateful for this gift of life but then its on our hands ang paghandle nito! so LIVE the life you choose to live! eksena mo yan!
LOVE – isa ito sa pinakamahirap maachieve! ano nga ba ang LOVE? maraming klase ng pagmamahal, love for oneself, love for family, love for friends, love for kung sino man yan at siyempre love kay God! sa usaping LOVE di lahat pinapalad makahanap ng tunay, madalas imagination lang hehe yung iba nabulagan at yung iba pinaniwala na lang ang sarili na mahal sia! haha may hugot! charought! basta long story madame tayong time to talk about it! i would love to see your stories here!
LANDE – sa tatlong to, ito pinakamadali for me! it comes naturally! Its innate kahit di na magsalita yun na yun! everyone of us has this lande factor kelangan mo lang gisingin yang kalandian mo para more more aura and at the same time you envibe positivity! basta gamitin ang kalandian sa tama! Lumande ng naayon sa lugar at sa sitwasyon! Let me take note ang ibig sabihin ng LANDE dito ay positibong pagharot at paglande! alam nio na yan malaki na kayo!
Samahan nio ako in this journey of livelovelande diaryblog! di naman talaga ako magaling magsulat but i’ll try to post anything and everything bout my eksenas! basta pag may wrong grammar kayo na bahalang umintindi, icocorrect nio na lang! hahah and i hope may mapulot kayong aral, inspiration, pagpapaganda, kaartihan, kalandian at kung ano ano pa! You may use that hashtag #livelovelande whenever you feel like! go lang!
See you around lalaloves!
Toni Aviles
Live Love Lande!
Recent Comments